MANILA, Philippines – Ipinagdiwang ng Iglesia Filipina Independiente, o mas kilala bilang Aglipayan Church, ang kanilang ika-122 anibersaryo nitong Sabado, Agosto 3.
Sa National Cathedral of the Holy Child sa Ermita, Manila, ang pinuno ng simbahan — si Obispo Maximo Joel Porlares — ang nanguna sa pagdiriwang.
Sa ulat ni Paterno Esmaquel II, patuloy na sigaw ng IFI, “pro Deo et patria (for God and country).” – Rappler.com