Sa mga ganitong pagkakataon, ang daling sabihin, “’Yan ang karma mo, Lorraine Badoy.”
Pero hindi karma kundi pawis at dugo at matiyagang paghihintay ang ipinuhunan ng mga abogado, journalists, at civil society upang maipanalo ang game-changing na kaso ng red-tagging laban kay Lorraine Badoy at kapwa host nito sa SMNI na si Jeffrey Celiz.
Tinatawag na game changer and desisyon ng Quezon City Regional Trial Court Branch 306 dahil ito ang unang paggamit sa isang civil case ng depenisyon ng Korte Suprema na ang red-tagging ay “threat to one’s constitutional right to life, liberty and security.”
Serial killer ng katotohanan si Badoy at may trail ng kasinungalingan siyang iniwan:
Ilang halimbawa lang iyan ng kamandag ni Badoy, at sa push-back na ipinamalas ng mga institusiyon, journalists, at abogado.
Sa mundo na pinamumugaran ng disinformation, words can kill. Isang dating opisyal ng gobyerno si Badoy at malawak ang impluwensiya niya, lalo na sa mga supporter ng pamilya Duterte. Mapanganib ang mga binitawan niya dahil maaari itong mag-translate sa real world actions.
Sabi ni Badoy, “So if I kill this judge and I do so out of my political belief that all allies of the CPP NPA NDF must be killed because there is no difference [in my mind] between a member of the CPP NPA NDF and their friends, then please be lenient with me.”
Mahalaga ring maintindihan natin ang taktika ni Badoy, na ginagamit ang freedom of expression upang patayin ang freedom of expression.
Ipinaliwanag ni Dean Tony La Viña na protektado ng Konstitusyon ang karapatan ni Badoy na hindi sumang-ayon. Pero, ayon na mismo sa Korte Suprema, attacking judges is unprotected speech. Ang pag-atake o pananawagan ng karahasan laban sa mga kritiko, kasalungat ng opinion, at kalaban sa pulitika ay unprotected speech. (BASAHIN: Badoy’s red-tagging and freedom of expression)
Sabi pa ni La Viña, “Freedom of speech, while sacrosanct, finds its limits at the doorstep of responsibility.”
Sabi rin ng Supreme Court, hindi in-exercise ni Badoy ang right to freedom of expression, sa halip ay inabuso niya ito. At ’yan ang red line na tinawid ni Badoy. – Rappler.com