Добавить новость


News in English


Новости сегодня

Новости от TheMoneytizer

HINDI TOTOO: Robredo flyers, bahagi ng mga nasamsam sa NPA

Buod
  • Ang sabi-sabi: Sa isang retrato na kumakalat sa social media, makikita na bahagi ang flyers, na may mukha ni Bise Presidente Leni Robredo at ng Makabayan bloc, sa mga nasamsam sa New People’s Army (NPA) matapos ang engkuwentro sa Malpalon, Occidental Mindoro noong Abril 25. 
  • Marka: HINDI TOTOO
  • Ang katotohanan: Sa opisyal na listahang inilabas ng 76th Infantry Victrix Battalion, hindi kasama ang umano’y Robredo flyers sa mga nasamsam mula sa kampo ng NPA sa Malpalon, Occidental Mindoro noong Abril 25. Wala ring ulat ang kahit anong news site ukol dito. 
  • Bakit kailangang i-fact-check: Ilang pahina na sa Facebook ang nagpapakalat ng naturang kasinungalingan habang papalapit nang papalapit ang eleksiyon.
Mga detalye

Sa ilang retratong kumakalat sa Facebook, makikita ang mga nasamsam na kagamitan mula sa New People’s Army (NPA) sa nangyaring engkuwentro sa Malpalon, Calintaan, Occidental Mindoro noong Abril 25. Kabilang umano sa mga kagamitan ang flyers nina Bise Presidente Leni Robredo at ng Makabayan bloc.

Hindi totoong kabilang ang naturang flyers sa mga nasamsam mula sa NPA. 

Sa opisyal na listahan ng mga kagamitang nakuha sa NPA na inilabas ng 76th Infantry Victrix Battalion, hindi kabilang sa mga nasamsam sa nasabing engkuwentro ang kahit anong flyers na naglalaman ng mukha o pangalan ni Robredo at ng Makabayan bloc. Ang Victrix Battalion ay kabilang sa mga itinalaga sa pursuit operation na nagresulta sa engkuwentro. 

Ibinahagi rin ito sa Philippine Army Facebook page. Sa mga inilista nilang mga bagay na nabawi mula sa engkuwentro, walang kasamang flyers na may kinalaman kay Robredo.

Sa ulat naman ng Philippine News Agency (PNA) ukol sa engkuwentro sa Malpalon, Calintaan, Occidental Mindoro, kabilang sa mga nasamsam na kagamitan ang M-16 rifle, M-16 Bushmaster rifle, magazines para sa M-16 rifle, improvised hand grenade, at iba’t ibang bala. Walang nabanggit na kahit ano ukol sa ipinapakalat na retrato ng flyers ni Robredo at ng Makabayan bloc. 

Hindi rin kasama sa ulat ng Inquirer at Manila Bulletin ang mga nasabing flyer. – Rochel Ellen Bernido, Ahikam Pasion/Rappler.com 

Si Ahikam Pasion ay isang awardee ng Aries Rufo Journalism Fellowship. Ang fact-check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor.

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Читайте на сайте


Smi24.net — ежеминутные новости с ежедневным архивом. Только у нас — все главные новости дня без политической цензуры. Абсолютно все точки зрения, трезвая аналитика, цивилизованные споры и обсуждения без взаимных обвинений и оскорблений. Помните, что не у всех точка зрения совпадает с Вашей. Уважайте мнение других, даже если Вы отстаиваете свой взгляд и свою позицию. Мы не навязываем Вам своё видение, мы даём Вам срез событий дня без цензуры и без купюр. Новости, какие они есть —онлайн с поминутным архивом по всем городам и регионам России, Украины, Белоруссии и Абхазии. Smi24.net — живые новости в живом эфире! Быстрый поиск от Smi24.net — это не только возможность первым узнать, но и преимущество сообщить срочные новости мгновенно на любом языке мира и быть услышанным тут же. В любую минуту Вы можете добавить свою новость - здесь.




Новости от наших партнёров в Вашем городе

Ria.city
Музыкальные новости
Новости России
Экология в России и мире
Спорт в России и мире
Moscow.media










Топ новостей на этот час

Rss.plus